Minsan, binisita ko ang isang naghihirap na lugar sa Santo Domingo sa bansang Dominican Republic. Nais kong malaman kung paano nakakatulong ang kalipunan ng mga nagtitiwala kay Jesus sa pagsugpo sa paggamit ng bawal na gamot, krimen at kawalan ng trabaho.
Dumaan kami sa isang makipot na eskinita para marating ang bahay ng pamilyang aking kakapanayamin. Pero hindi pa nagtatagal ang aming pag-uusap, may dumating para sabihin na lumikas kami agad. Mayroon kasing gang lider na may hawak na mga itak ang nais kaming tambangan.
Bumisita naman kami sa karatig lugar ng una naming pinuntahan. Pero wala kaming naging problema sa lugar na iyon at nalaman ko ang dahilan kung bakit. Sa bawat bahay pala na aming puntahan ay nakabantay ang isang lider ng gang sa lugar na iyon. Nalaman ko rin na pinapakain at tinuturuan ng mga mananampalataya sa loob ng simbahan ang anak ng gang lider. Kaya naman, mabait siya sa amin.
Nagturo naman si Jesus noong nasa bundok Siya ng tungkol sa hindi mailarawang pagmamahal. Ang ganitong uri ng pagmamahal ay hindi lamang para sa mga karapat-dapat kundi para rin sa mga hindi karapat-dapat mahalin (MATEO 5:43-45). Mahalin natin hindi lamang ang ating kapamilya o mga kaibigan, maging ang mga taong mahirap mahalin (T. 46-47).
Napakalaki ng pagmamahal ng Dios na naging pagpapala sa lahat (T. 48). Kaya naman, idalangin natin sa Kanya na magkaroon din tayo nang ganoong uri ng pagmamahal.