Minsan, gumising ako na umaasang makikita ko ang parehong mapanglaw na tanawin dahil sa panahon ng taglamig. Isang linggo ko na kasing nakikita ang paligid na nababalot ng snow. Pero tumambad sa akin ang magandang sinag ng araw at luntiang paligid. Napalitan ng nakakamanghang tanawin ang walang buhay at nakakalungkot na paligid.

May pagkakataon din naman na tinitingnan natin ang problema na wala sa ating isip na makakatulong ito para tumatag ang ating pananampalataya sa Dios. Inaasahan na natin tuwing umaga na haharapin na naman ang sakit na mayroon tayo, ang takot at kawalan ng pag-asa. Pero hindi inaasahan na gagaling tayo, lalakas ang loob at magtatagumpay sa tulong ng kapangyarihan ng Dios. Lubos kasing nakatuon sa problema ang ating isip.

Sinabi sa Biblia na laging handa ang Dios na tulungan tayo. Inaayos ng Dios ang mga sirang relasyon at pinapalaya ang mga inaalipin. Inaaliw Niya ang mga nagdadalamhati, “Nang sa ganoon…maglalagay sila ng langis o ng koronang bulaklak sa ulo bilang tanda ng kaligayahan” (ISAIAS 61:3).

Hindi lang nais ng Dios na pasayahin tayo sa panahon ng may problema. Sa halip, Siya mismo ang ating pag-asa na nagdudulot ng tunay na kagalakan. Kaya naman, sa ating paglalakbay sa buhay na ito, makapagpalakas nawa ng loob natin ang sinabi ni Augustine na sumasampalataya kay Jesus. Sinabi ni Augustine, “Sa panahon na lubos akong nahihirapan at nasasaktan, nakita ko ang kaluwalhatian ng Dios at lubos akong namamangha dito.”