Laging bukas ang tahanan ni Saydee at ng kanyang pamilya para sa lahat lalo na sa mga may pinagdaraanang pagsubok sa buhay. Iyon na ang kinalakihan ni Saydee at ng kanyang siyam na kapatid sa kanilang tahanan sa Liberia. Bukas palad na tinatanggap ng kanilang mga magulang ang ibang mga pamilya na nangangailangan. Sinabi ni Saydee na lumaki siya sa konsepto ng komunidad kung saan ang bawat isa’y nagmamahalan at nagmamalasakitan.
Noong nakakaranas naman ng hirap si Haring David, natagpuan niya sa Dios ang kalinga na tulad ng ipinapakita ng pamilya ni Saydee sa kanilang komunidad. Mababasa natin sa 2 Samuel 22 at Salmo 18 ang pagpupuri ni David sa Dios dahil ang Dios ang naging kanlungan niya sa kanyang buhay. Sinabi ni David, “Sa aking kahirapan, humingi ako ng tulong sa Inyo, Panginoon na aking Dios, at pinakinggan N’yo ang panalangin ko roon sa Inyong templo” (2 SAMUEL 22:7).
Ang Dios ang ilang ulit na nagligtas kay David mula sa mga kaaway nito na tulad ni Haring Saul. Pinapurihan ni David ang Panginoon sa pagiging kanyang tanggulan (TAL.2-3).
Hindi man kasing hirap ng sitwasyon natin ang mga naranasan ni David, nais ng Dios na lumapit din tayo sa Kanya. Bukas palad Niya tayong tatanggapin at Siya ang magiging kanlungan natin. Dahil dito, karapat-dapat natin Siyang awitan ng mga papuri (TAL. 50).