Pagtahak Sa Buhay
Minsan, sinubukan namin ng mga kaibigan ko ang whitewater rafting. Isa itong aktibidad kung saan sasakay kami sa isang bangka at tatahakin ang mabato at rumaragasang ilog habang nagsasagwan. Bagamat wala kaming masyadong karanasan, naging maayos at ligtas ang pagtahak namin sa ilog sa tulong ng aming guide o tagagabay. Sa pagkakataong iyon, natutunan namin ang kahalagahan ng pakikinig nang mabuti…
Simpleng Tanong
Isang babaeng taga-Montana ang namuhay nang bulag sa loob ng 15 taon dahil hindi naayos ng kanyang doktor ang problema sa kanyang mata. Pero, nabago ang kanyang buhay nang tanungin ng kanyang asawa sa panibagong doktor sa mata ang isang simpleng tanong, “Makakakita pa ba ang asawa ko?” Sumagot ang doktor ng Oo. Sa pagsusuri kasi ng doktor, karaniwan lamang…
Pag-asang Maligtas
May isang lalaki na masasabing hindi karapat-dapat patawarin. Nakapatay siya ng 6 na katao. Nag-iiwan din siya ng sulat para tuyain ang mga pulis. Kaya naman, nakulong ang lalaking ito ng napakaraming taon.
Pero kumilos ang Dios sa buhay ng taong ito. Sumampalataya siya kay Jesus. Nagbabasa na siya ng Biblia at inihahayag sa pamilya ng kanyang mga biktima ang…
Palaging Magkasama
Napansin ko sa isang recital na nagbigay ng mga huling paalala ang isang guro sa kanyang estudyante bago sila magtanghal. Tumugtog ang bata ng isang simpleng tugtugin. Sinabayan siya ng kanyang guro para mas maging maganda ang musika. Nasiyahan ang guro sa estudyante sa pagtatapos ng kanilang pagtugtog.
Tulad din naman ng isang dueto o pagtatanghal ng dalawang tao ang…
Tumibok Muli
Ang kantang “Tell Your Heart to Beat Again” ay hango sa isang tunay na kuwento ng isang doktor na espesyalista sa puso. Matapos niyang gamutin ang puso ng pasyente nito at ginawa ang lahat ng paraan, hindi pa rin ito tumibok. Hanggang sa lumuhod sa harapan ng pasyente ang doktor at kinausap ito, “Miss Johnson, matagumpay ang operasyon mo. Sabihin…