Nang ipasilip ng tagagawa ng pelikulang si Wylie Overstreet ang buwan gamit ang kanyang teleskopyo, labis na namangha ang mga tao. Humanga sila sa ganda nito sa malapitan. Sinabi ni Wylie na sa pamamamagitan ng pagmamasid sa napakagandang buwan na iyon ay lalo tayong mapapaisip na mayroon talagang dakilang Manlilikha na nakahihigit sa atin.
Lubos ding namangha si David sa Dios. Sinabi niya, “Kapag tumitingala ako sa langit na Inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, ako’y nagtatanong, ano ba ang tao upang Inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang Inyong kalingain? (SALMO 8:3-4).
Mas lalo pa tayong mamamangha sa Dios sa katotohanang pagkatapos Niyang likhain ang bagong langit at bagong lupa, hindi na natin kakailanganin pa ang buwan at araw. Sinabi ni Apostol Juan, “Hindi na kailangan ang araw o ang buwan sa lungsod dahil ang kapangyarihan ng Dios ang nagbibigay ng liwanag, at ang Tupa ang ilaw doon...wala nang gabi roon (PAHAYAG 21:23-25).
Tunay na napakaganda ng katotohanang ito! Gayo pa man, mararanasan na natin ngayon ang liwanag ng Dios sa pamamagitan ng pagsaliksik at pagtitiwala sa Panginoong Jesus na siyang Ilaw ng sanlibutang ito. Sinabi nga ni Wylie, “Dapat tayong tumingala nang mas madalas” dahil sa pamamagitan nito, tila nakatingin tayo sa Dios.