Kung ikaw ang magdala sa papel nga Jesus sa usa ka pelikula, unsay imong buhaton? Kana ang hagit nga giatubang ni Bruce Marchiano, nga nagdala sa papel nga JKung bibigyan ka ng pagkakataon na gumanap bilang Jesus sa isang pelikula, paano mo ito gagampanan? Iyon ang hamon para kay Bruce Marchiano na gumanap na Jesus sa pelikulang Matthew noong 1993. Naging mabigat para sa Kanya na gampanan si Cristo dahil alam niyang milyun-milyong tao ang magbabase sa kanyang pagganap kung sino talaga si Jesus.
May pagkakataon na lumuhod siya sa panalangin at taimtim na hiniling kay Jesus na ihayag ni Jesus ang Kanyang sarili.
Nakahanap ng sagot si Bruce sa aklat ng Hebreo. Sinasabi roon na pinili si Jesus ng Dios Ama at binuhusan ng langis ng kagalakan (1:9). Ang kagalakang ito ay dahil sa kaugnayan ni Jesus sa Kanyang Ama. Ipinakita ni Jesus sa Kanyang buhay ang kagalakang ito. Sinasabi pa sa Hebreo 12:2, “Tiniis Niya ang paghihirap sa krus at hindi Niya ito ikinahiya, dahil inisip Niya ang kaligayahang naghihintay sa Kanya. At ngayon nga ay nakaupo na Siya sa kanan ng trono ng Dios.”
Dahil sa mga nabasang ito ni Bruce, ipinakita niya sa kanyang pagganap ang Jesus na puno ng kagalakan. Dahil dito, nakilala si Bruce bilang “ang nakangiting Jesus.” Maaari din tayong lumuhod sa harapan ni Jesus at hilingin na ihayag Niya ang Kanyang sarili sa atin. Nawa’y punuin Niya tayo ng Kanyang mga katangian upang makita rin ng mga tao ang Kanyang pag-ibig sa atin!