Sa paglalagari namin ng puno ng aking ama, sinasabihan niya ako na huwag ko masyadong pwersahin. Hayaan ko lang daw na gawin ng lagari ang trabaho nito.

Naaala ko dahil doon ang sinabi ni Pablo sa mga taga-Filipos, “ang Dios ang siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahang masunod n’yo ang kalooban Niya” (2:13). Ayon dito, hayaan natin na ang Dios ang siyang kumilos para sa pagbabago ng ating puso.

Sinabi naman ng manunulat na si C. S. Lewis na ang paglagong espirituwal ay higit pa sa pagbabasa ng mga salita ni Cristo at pagsunod sa mga ito. Ipinaliwanag niya na si Cristo mismo ang siyang kikilos sa atin at paunti-unting nagbabago sa atin upang lalo natin Siyang matularan. Makakabahagi rin tayo sa Kanyang kapangyarihan, kagalakan, karunungan at walang hanggan.

Tunay na kumikilos ang Dios ngayon. Umupo tayo sa paanan ni Jesus at pakinggan ang nais Niyang sabihin. Manalangin tayo at manatili sa pag-ibig ng Dios (JUDAS 1:21). Ipaalala natin sa ating mga sarili na tayo’y sa Kanya at Siya ang patuloy na nagpapabago sa atin.

Maaari naman na itanong natin, “Hindi ba’t dapat nating naisin na maging matuwid?” Isipin na lang natin na para tayong isang maliit na bata na gustong kunin ang regalong nakalagay sa mataas na istante at dahil nakita ng ating ama ang pagnanais natin na makuha iyon, kinuha niya ang regalo at iniabot sa atin. Hayaan natin ang Dios ang siyang kumilos sa buhay natin.