Isang umaga, may narinig akong kumakanta ng papuri sa Dios. Nakita ko na ang bunso kong anak ang kumakanta kahit kagigising pa lamang niya. Mahilig kasi siyang umawit. Saan man siya pumunta o ano man ang ginagawa niya ay kumakanta siya. Ang mga awit na madalas niyang kinakanta ay mga papuri sa Dios. Kahit nasaan man siya ay pinupuri niya ang Dios sa pamamagitan ng kanyang pagkanta.

Natutuwa ako sa boses ng anak ko. Ang pag-awit niya ay humihikayat sa akin upang purihin ang ating Dios. Mababasa natin sa Biblia ang maraming talata ng pagpupuri sa Dios. Sa Awit 95 ay sinasabi na, “Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas” (T. 1).

Mababasa rin natin na ang pagpupuring ito ay nagmula sa pagkakakilala kung sino ang Panginoon. “Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios. Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios” (T.3). Siya ang ating Dios at tayo ang Kanyang mga mamamayan na gaya ng mga tupa sa Kanyang kawan na Kanyang binabantayan at inaalagaan,” (T. 7).

Para sa aking anak, ang pagpupuri sa Dios ang nais niyang gawin pagkagising pa lamang niya sa umaga. Ang ginagawa niyang ito ay isang paalala sa atin na umawit tayo ng papuri sa Dios nang may kasiyahan sa ating puso.