Month: Agosto 2022

Nakikinig

Kung bukas lang ang radyo, malalaman sana nila na palubog ang barkong Titanic. Sinubukan ni Cyril Evans, ang namamahala ng radyo sa kabilang barko, na mag-iwan ng mensahe kay Jack Philips, ang tagasagot naman ng radyo sa barkong Titanic. Nais sabihin ni Cyril na nakakita sila ng malalaking yelo sa dagat.

Pero abala si Jack sa paghahatid ng ibang mensahe…

Suriin Ang Sarili

Binasa ko kamakailan ang mga liham na ipinadala ng tatay ko sa aking nanay noong panahon ng digmaan. Nasa Hilagang Aprika noon ang tatay ko at nasa Virginia naman ang nanay ko. Isang tinyente ang tatay ko at isa sa mga trabaho niya ang magsuri ng mga liham para hindi makarating sa mga kalaban nila ang mahahalagang impormasyon. Kaya nakatutuwang…

Magandang Balita

Naaaliw ang mga tao sa tinatawag na “wave.” Kadalasang ginagawa ito sa mga palaro at mga konsyerto. Nagsisimula ito kung may grupo na biglang tatayo at itataas ang kanilang mga kamay. Makalipas ang ilang saglit, gagawin din ito ng mga katabi nila. Layunin nito na makabuo ng sunod-sunod na paggalaw ng mga tao sa buong koliseo. Kapag nakaabot na sa…

Dios Nating Tagapagligtas

Inilagay ng isang rescuer ang kanyang bangka sa gitna ng dagat para saklolohan ang mga takot na manlalangoy na kasalukuyang nasa isang paligsahan. Sinabi niya, “Huwag n’yong hawakan ang gitna ng bangka!” Nalalaman niya na kapag ginawa nila iyon, lulubog ang bangka. Itinuro niya sa mga ito na kumapit sa unahan ng bangka. May lubid doon na maaari nilang hawakan para…

Iligtas Ang Mahihina

Anong pipiliin mo? Magbakasyon sa Switzerland o iligtas ang mga bata mula sa panganib sa Prague? Pinili ni Nicholas Winton ang huli. Taong 1938 nang magkaroon ng giyera sa pagitan ng Czechoslovakia at Germany. Matapos bisitahin ni Nicholas ang lugar na tinutuluyan ng mga bihag sa Prague, nabagbag ang kanyang puso. Nakita niya roon ang mga Judiong dumadanas ng hirap.…