Mahigit isang milyong mga kabataan ang lumahok sa pandaigdigang kompetisyon sa paggawa ng sulat. Sa taong 2018, ang tema ng nasabing patimpalak ay, “Kung ikaw ay isang liham na may kakayahang maglakbay sa iba’t ibang panahon, ano ang nais mong sabihin sa mga makakabasa sa iyo?”
Binubuo rin naman ang Biblia ng maraming mga sulat. Salamat sa inspirasyon at paggabay ng Banal na Espiritu dahil nakarating ang Salita ng Dios sa panahon natin. Habang lumalago ang kalipunan ng mananampalataya kay Cristo, sumulat ang mga tagasunod ni Jesus sa mga lokal na simbahan sa Europa at Asya Minor.
Layunin ng mga sulat na ito na matulungan ang mga mananampalataya na maunawaan ang kanilang bagong buhay kay Cristo. Nakapaloob ang karamihan sa mga sulat na ito sa Biblia na nababasa natin sa ngayon. Ano ang nais iparating ng mga sulat sa Biblia? Isinulat ni Juan sa una niyang liham, “Ipinapahayag namin sa inyo ang tungkol sa Kanya na mula pa sa simula ay nariyan na. Narinig namin Siya, nakita’t napagmasdan ng sarili naming mga mata, at nahawakan namin Siya” Isinulat ni Juan ang tungkol sa naranasan niya nang makasama si Jesus (1 Juan 1:1). Sumulat siya para “maging kaisa [nila tayo] sa Ama at sa Kanyang Anak na si Jesu-Cristo” (Tal. 3). Nagiging lubos ang kaligayahan natin dahil sa pagkakaisang ito (Tal. 4).
Dahil sa mga sulat sa Biblia, nagkaroon tayo ng pagkakataon na maging kaisa ang walang hanggang Dios kahit sa panahon natin ngayon.