Nang matapos ang American Revolution, maraming mga politiko at lider ng militar ang nagnanais na maging bagong pinuno si Heneral George Washington. Iniisip ng mga tao kung patuloy niya pa ring paiiralin ang mga pinaninindigan niyang prinsipyo tungkol sa kalayaan kung sakaling nasa kanya na ang lahat ng kapangyarihan.
Para naman kay Haring George III ng Inglatera, maituturing na pinakadakilang tao sa buong mundo si George Washington kung tatanggihan niya ang kapangyarihang inaalok sa kanya. Alam ng haring ito na tanda ng tunay na kadakilaan ang hindi magpadaig sa tukso ng pagiging makapangyarihan.
Nalalaman din ni Pablo ang katotohanang ito at hinihikayat niya tayo na tularan ang pagpapakababa ni Jesus. Kahit na “nasa Kanya ang katangian ng Dios,” hindi itinuring ni Jesus na kapantay Siya ng Dios (Filipos 2:6). Sa halip, “ibinaba Niya nang lubusan ang sarili Niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin” at “nagpakumbaba Siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan” (Tal. 7-8). Isinuko ni Jesus ang lahat ng Kanyang kapangyarihan alang-alang sa pag-ibig Niya sa atin.
Mula naman sa pagkakapako sa krus ay “itinaas Siyang lubos ng Dios at binigyan ng titulong higit sa lahat ng titulo” (Tal 9). Bilang makapangyarihan sa lahat, maaaring pwersahin tayo ni Jesus na purihin at sundin Siya. Pero, sa Kanyang pagpapakumbaba, naipakita Niya ang tunay na kadakilaan. Nararapat talaga Siyang sambahin!