Maganda ang hitsura ng lanternfly pero mapanlinlang ang taglay nitong ganda. Itinuturing na peste ang mga lanternfly sa hilagang Amerika dahil namiminsala ang mga ito ng kapaligiran at mga pananim. Kinakain nito ang kahit anong punongkahoy tulad ng puno ng seresa at iba pang punong nagbubunga. Nag-iiwan din ng madikit na bagay ang mga lanternfly na nagiging amag sa mga punongkahoy na kinakain nito.
Isang halimbawa rin ng panlilinlang ang kuwento nila Adan at Eva sa Biblia. Nilinlang ng ahas, ni Satanas, ang mag-asawa para sumuway sa Dios. Sinabi sa kanila na “magiging katulad nila ang Dios” (Genesis 3:1-7) kapag kinain nila ang ipinagbabawal na bunga. Pero bakit kaya nakinig sila Adan at Eva sa isang ahas?
Naakit ba si Eva ng mga salita nito o may taglay itong nakabibighaning kagandahan? Sinabi sa Biblia na nilikhang maganda si Satanas (Ezekiel 28:12). Natukso si Satanas na maging katulad ng Dios. Ito rin ang ginamit niyang paraan para maakit si Eva: “Magiging gaya ng Kataas-taasang Dios” (Isaias 14:14; Ezekiel 28:9).
Ginagamit ni Satanas na makapanlinlang ang kagandahang taglay niya (Genesis 3:1; Juan 8:44; 2 Corinto 11:14). Tulad niya na nahulog sa tukso, hinihila rin niya pababa o pinipigilang lumago ang mga tao. Pero higit na mas makapangyarihan ang kakampi natin. Maari tayong lumapit kay Jesus, ang ating Tagapagligtas.