May hindi pangkaraniwang kondisyon si Sarah sa kanyang mga kasu-kasuan kaya kailangan niya ng wheelchair. Minsan, papunta sa istasyon ng tren si Sarah sakay ng kanyang wheelchair upang dumalo sa isang pagpupulong. Sa kasamaang palad, sira na naman ang elevator at wala ring rampa para makaakyat siya. Sinabihan siya na mag taxi na lang para makarating sa susunod na istasyon na apatnapung minuto ang layo. Hindi naman dumating ang taxi na tinawagan niya kaya sumuko na lang si Sarah at umuwi sa bahay nila.
Nakakalungkot man, madalas itong mangyari kay Sarah. Nagiging hadlang ang mga sirang elevator at kawalan ng rampa para makasakay siya ng tren. Minsan, itinuring si Sarah na istorbo ng nagtatrabaho sa istasyon ng tren. Mabigat ito para sa damdamin ni Sarah.
Itinuturing na isang mahalagang utos sa Biblia ang “pagmamahal sa kapwa” (Levitico 19:18; Roma 13:8-10). Ang pagmamahal na ito ang nagtuturo sa atin para hindi gumawa ng masama sa iba (Levitico 19:11,14). Dahil sa pag-ibig, magiging mapagbigay tayo sa mahihirap (Mga Tal. 9-10). Binabago rin nito kung paano natin tuparin ang ating mga trabaho. Dapat na itrato nang maayos ang mga nagtatarabaho (Tal. 13). Naipapakita naman ng mga nagkukumpuni ng elevator ng tren na hindi lamang ito basta trabaho, kundi paraan din ito ng paglilingkod sa mga nangangailangan ng serbisyo nito tulad ni Sarah.
Kung tinutupad lang natin ang ating trabaho dahil sa pansariling pakinabang, maaaring itrato natin ang iba na istorbo lang. Nawa’y ituring natin ang ating trabaho bilang pagpapakita ng pag-ibig sa ating kapwa.