Isang umaga binisita ko ang pond na malapit sa aming bahay. Naupo ako sa isang nakataob na bangka habang nag-iisip at nanonood ng paghampas ng hangin sa parang ulap sa ibabaw ng tubig hanggang sumikat na ang araw at tuluyan ng nawala ang ulap.
Nagpagaan sa aking damdamin ang nakita kong tanawin dahil iniugnay ko ito sa kababasa ko pa lang na talata “Ang mga kasalanan mo’y parang ulap o ambon na pinaglaho ko na” (Isaias 44:22). Binisita ko kasi ang lugar upang mawala sa aking isipan ang mga makasalanang gawain na naiisip ko. Dahil kahit na inamin ko na ang mga ito sa Dios. Naisip ko pa rin na mapapatawad pa kaya ako ng Dios kung gagawin muli ang magkasala?
Sa umagang iyon nalaman ko na oo ang sagot sa tanong ko. Sa pamamagitan naman ni propeta si Isaias, ipinakita ng Dios ang Kanyang kagandahang loob sa mga Israelita nang maharap ang mga ito sa suliranin tungkol sa mga dios-diosan. Sinabi rin ng Dios na tumigil na sila sa kanilang pagsamba sa mga huwad na dios, at inanyayahang muling manumbalik sa Kanya. Sinabi pa Niya “ikaw ay Aking lingkod. Nilalang Kita upang maglingkod sa Akin. Hindi kita kakalimutan”(T. 21).
Hindi pa ako ganito kung magpatawad, ngunit naiintindihan ko na ang kagandahang loob ng Dios ang nag-iisang nakapawi ng ating mga kasalanan at makapagpapagaling sa atin mula dito. Nagpapasalamat ako na ang kagandahang loob ng Dios ay walang hanggan at banal tulad Niya at maaari nating makuha kahit kailan natin kailanganin.