Na-stroke si Tom at nawala ang kanyang kakayahang makapagsalita. Dumaan siya sa mahabang proseso upang makapagsalita muli. Makalipas ang ilang linggo, nagalak kami ng makita si Tom na dumalo sa pagtitipon para sa Thanksgiving. Nagalak kami ng tumayo siya upang magbahagi. Nangangapa sa mga salita at nalilito pa rin siya sa mga nais niyang sabihin. Pero isa lang malinaw: nagpupuri siya sa Dios.
Bago magpasko nakilala natin ang isang lalaki na nawalan ng kakayahang makapagsalita. Nagpakita ang anghel na si Gabriel (Lucas 1:11-17). Matanda na noon si Zacarias at ang asawa nito, kaya nagduda siya. Doon sa kanya sinabi ni Gabriel na “hindi ka makakapagsalita hanggang sa araw na maganap ang mga ito.” (T.20).
Naganap nga araw na iyon. Sa araw naman ng pagpapangalan sa bata ay nakapagsalitang muli si Zacarias at nagsimulang magpuri sa Dios (T. 64). Sinabi pa niya “Purihin ang Panginoong Dios ng Israel! Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan” (T. 65).
Tulad ni Zacarias nagbigay papuri din si Tom sa Dios ng muli siyang makapagsalita. Pareho silang malapit sa Nag-iisang may gawa ng kanilang mga dila at isipan. Kaya naman kahit ano pa ang ating harapin ngayon, ganito rin dapat ang atin gawain. Laging tayong magpuri sa Dios.