Sa tuwing bisperas ng bagong taon, maraming lugar sa buong mundo ang nagpapaputok ng fireworks. Malakas ang tunog ng mga ito. Sabi pa ng mga gumagawa ng mga fireworks ang mga ito ay talagang ginawa upang kumalat sa kalangitan.
Tulad ng fireworks dumadagongdong din ang ating puso, isip at bahay. Kapag dumadaan tayo sa pagsubok: sa ating pamilya, sa pag-ibig, trabaho, pinansyal, maging sa pagkakahati ng sambahan. Niyayanig ng mga problemang ito ang ating pagkatao. Tulad ng isang pagsabog.
Sa kabila ng lahat, kilala naman natin ang nag-iisang makakatulong sa atin. Si Cristo mismo, “Siya ang ating kapayapaan” tulad ng isinulat ni apostol Pablo sa Efeso 2:14. Kung mamalagi tayo sa presensya ng Dios, ang Kanyang dalang kapayapaan ay higit sa anumang pagsubok, pinapatahimik Niya ang ating pagaalala, sakit at ang kawalan ng pagkakaisa.
Ano ang dapat nating gawin? Ganito ang sabi ng Panginoon: “igalang mo ang Panginoon habang nabubuhay ka. At kung magkagayon ay gaganda ang kinabukasan mo at mapapasaiyo ang mga hinahangad mo” (Tal. 17-18). Ilaan mo ang iyong buhay para kay Jesus. Sapagkat sa piling Niya ay mananatili ka magpakailanman.