Kilala ang lugar ng Colorado dahil sa Rocky Mountains at sa taon-taong pag-ulan ng yelo dito. Kaya naman, nagulat kami nang bumuhos ang napakalakas na ulan sa aming lugar. Dahil dito, nagkaroon ng matinding pagbaha sa lugar ng Estes Park noong Hulyo 31, 1976. Nang humupa na ang baha, naitala na 144 katao ang namatay sa sakunang iyon. Sa pangyayaring iyon, inimbes-tigahan at sinuri ang lugar. Napag-alaman na ang mga pader na yari sa semento ay hindi natumba. Sa madaling salita, matitibay ang pundasyon ng mga ito kaya nakatagal sa matinding baha.
Sa buhay naman natin, siguradong may darating na mga matitinding pagsubok na parang bagyong humahagupit sa atin. Ang hindi nga lang natin alam kung kailan darating ang mga ito. Kung minsan, nalalaman natin ang paparating na mga problema. Pero madalas, walang babala.
Nagbigay naman ng paalala si Jesus na nararapat magkaroon ng matibay na pundasyon ang ating buhay. Sinabi Niya na titibay ang pundasyon natin kung ating isasabuhay ang mga Salita Niya (Lucas 6:47). Malalampasan natin ang anumang unos na darating sa buhay dahil may matatag tayong pundasyon ( TAL . 48). Kung hindi natin isasapamuhay ang Salita ng Dios, madali tayong susuko sa mga pagsubok (Tal. 49).
Kaya naman, magandang pagbulayan kung saan ba nakasalig ang pundasyon ng ating buhay. Kung hihingi tayo ng tulong sa Panginoong Jesus, tutulungan Niya tayo at bibigyan ng kakayahan para malampasan ang matitinding pagsubok sa buhay na darating.