May dalawang lalaking iniwan ang propesyon nila sa larangan ng sining para maging tagapaglingkod ni Jesus. Napagdesisyunan ni James O. Fraser (1886-1938) na iwan ang pagiging isang tanyag na piyanista sa Inglatera at magsilbi sa tribo ng Lisu sa Tsina. Nagpasya naman si Judson Van DeVenter (1855-1939) na maging tagapagpahayag ng Salita ng Dios kaysa sa maging magaling sa larangan ng sining. Dahil sa pagsunod sa Dios, nalikha ni Judson ang kilalang awit na “I Surrender All.”
Isang magandang paglilingkod din naman sa Dios ang maging eksperto sa sining. Pero napagtanto ng dalawang lalaking ito na mas higit na dapat sumunod at maglingkod sa Dios.
Saan man tayo dalhin ng Dios, nararapat na sumunod at maglingkod tayo sa Kanya sa bawat sandali ng buhay natin. Nais ng Dios na palagi tayong sumunod sa Kanya. Nariyan ang palaging pagtulong Niya sa tuwing sumusunod tayo sa Kanya.