May isang paaralan na nagtuturo tungkol sa Biblia sa bansang Ghana. Yari lang sa simpleng materyales ang paaralan pero marami ang nag-aaral dito. Inilaan ni Bob Hayes ang buhay niya para maturuan ang mag-aaral dito. Tinuruan niya ang mga ito tungkol sa Biblia at kung paano ito ipahayag sa iba. Nagsikap si Hayes na turuan ang mga mag-aaral sa kabila ng pagsalungat nila. Namatay kamakailan lang si Hayes. Pero maraming naging bunga ang pagpapagal niya. Maraming mga paaralan tungkol sa Biblia ang naitayo na nagsimula sa pamumuno ni Hayes.
Sa Biblia naman, namuno si Ezra para tipunin ang mga Israelita para muli silang makabalik sa Jerusalem. Pero walang nakitang Levita si Ezra (Ezra 8:15). Kailangan niya ng mga Levita para magsilbi bilang mga pari. Kaya sinabihan niya ang mga pinuno na “magdala sila ng mga tao na maglilingkod sa templo ng Dios” (Tal. 17 ). At ginawa nila ang sinabi ni Ezra (Tal. 18 -20). Nanalangin at nag-ayuno ang buong bayan (Tal. 21).
Ang ibig sabihin ng pangalang Ezra ay “katulong.” Sumasalamin ang pangalan niya sa pamumuno niya. Nagkaroon ng mabuting bunga ang pamumuno ni Ezra. Muli silang nagbalik-loob sa Dios at nanalangin (Mga Kabanata 9-10). Kailangan ng bayan ng Israel ng pamumuno at pagpapalakas ng loob. At ginawa ito ni Ezra.
Ganito rin naman ang mangyayari sa mga taong nagtitiwala sa Dios. May mga taong makatutulong sa atin para maging makabuluhan ang buhay para sa Dios. Makakatulong sa atin ang mabuting halimbawa nila.