Minsan, ikinuwento ni Alice Kaholusuna kung paano manalangin ang mga taga-Hawaii. Maghahanda muna sila nang matagal bago pumasok sa kanilang templo upang manalangin. At kapag sila’y nanalangin, gumagapang sila papunta sa altar. Paglabas naman sa templo, matagal din silang uupo upang ‘bigyang-buhay’ ang panalangin.
Kabaligtaran naman nito ang paraan ng pananalangin ng Misyonero na nagpunta sa kanilang isla. Nakatayo itong mananalangin, magsasambit ng kaunting salita at sabay ‘amen.’ Tinatawag nilang ‘patay’ ang mga ganitong panalangin.
Sa kuwento ni Alice, makikitang may mali sa paraan ng pananalangin natin. Hindi ito nakakatulong sa pagtigil at pagkilala sa Panginoon (Salmo 46:10). Naririnig naman ng Dios ang bawat panalangin, maiksi man o mahaba ito. Pero, dahil sa bilis ng takbo ng ating buhay, hindi natin maiwasang madaliin din ang pakikipag-usap natin sa Dios na nagiging dahilan ng hindi natin pakikinig sa Kanya.
Gusto natin pabilisin ang lahat ng bagay. Ngunit ang sinasabi sa atin ng Dios ay, “Tumigil, huminga ng malalim. Huwag magmadali at kilalanin niyo Ako bilang Dios, ang iyong kanlungan at kalakasan, ang maaasahan na tulong sa bawat pagsubok.” Kilalanin ang Dios, magtiwala sa Kanya, at mamuhay ng tunay. Lahat ng ito ay magiging posible kung hindi tayo magmamadali.