Noong 1965, kasama ang kongresistang si John Lewis sa mga nagmartsa upang maisulong ang pantay na karapatan ng mga Black American para makaboto. Sa hindi inaasahang pangyayari, nasugatan si Lewis sa ulo habang nagmamartsa sila. Nag-iwan ito ng marka sa kanyang ulo.

Ayon naman kay Lewis, “Dapat mong ipaglaban at panindigan kung ano ang tama. Huwag na huwag kang matatakot, kahit pa maaari kang masaktan o mapahamak.”

Kahit na alam ni Lewis na maaari siyang mapahamak, ginawa pa rin niya kung ano ang tama. Ganito rin ang ginawa ni Propeta Amos. Inihayag pa rin niya ang mga ginagawang pagkakasala ng bayang Israel. Kahit pa malagay sa kapahamakan ang buhay niya. Sinabi niya sa mga taga-Israel “inaapi ninyo ang mga mahihirap at pinipilit na magbigay sa inyo ng kanilang ani. Kaya hindi kayo makakatira sa ipinatayo ninyong mansyon at hindi kayo makakainom ng katas mula sa itinanim ninyong mga ubas” (Amos 5:11-12). Buo ang loob ni Propeta Amos na nanindigan na gawin kung ano ang tama.

Naging maganda naman ang kinahinatnan ng paninindigan ni Propeta Amos. Nakamit nila ang hustisya. Dapat umiral ang katarungan at katuwiran na parang ilog na patuloy na umaagos (Tal. 24). Pagkalooban nawa tayo ng Dios ng katapangan sa tuwing ipinaglalaban natin ang kung ano ang tama at ayon sa nais ng Dios. Tiyak na magiging maganda ang kahihinatnan nito kung gagawin natin ito.