Minsan, mayroong larawan na makukuha talaga ang ating pansin. Naranasan ko ito nang makita ko ang larawan ni Princess Diana ng Wales. Sa unang tingin, tila napakasimple lamang ng larawang iyon. Nakangiti ang prinsesa habang nakikipag-kamay sa isang hindi kilalang lalaki. Pero mas mahalaga ang kuwento sa likod ng larawan.
Nang dumami ang kaso ng sakit na AIDS sa bansang Britanya, dumalaw si Princess Diana sa isang ospital na maraming may sakit na AIDS. Mabilis kumalat, nakakahawa, at madaling kumitil ng buhay ang sakit na ito. Wala pang sapat na pag-aaral ang nagagawa tungkol sa AIDS sa panahong ito. Hindi maganda ang turing ng lipunan sa mga taong may sakit na AIDS.
Kaya isang napakagandang pagpapakita ng dakilang pagmamahal ang ginawa ni Princess Diana nang makipagkamay siya sa isang taong may sakit na AIDS. Nagpakita ang ginawa ng prinsesa ng pagmamahal, pagtanggap, at paggalang sa kapwa.
Hindi ko malilimutan ang larawang iyon. Katulad nito ang napakadakilang pagmamahal ng Dios sa ating mga makasalanan. Sa Biblia, ayon kay Apostol Juan, nararapat na mahalin natin ang kapwa natin para hindi tayo manatili sa kamatayan (1 Juan 3:14). Dahil sa dakilang pagmamahal ng Dios sa atin, nakakaya nating magpakita ng pagmamahal sa kapwa natin. Katunayan ito na tayo ay mga anak ng Dios.