Isang araw naisip kong pinturahan at baguhin ang ayos ng aming bahay. Ngunit bago ko pa masimulan ang aking pagpipintura at pag-aayos. Nalaman kong pansamantalang isasara ang mga pamilihan dahil sa COVID. Kaya naman, agad akong pumunta sa pamilihan at binili ang mga kakailanganin ko sa pag-aayos ng aming bahay. Mahirap kasing mag-ayos ng kulang ang gamit.
Nang isinulat naman ni Pablo ang ika-4 na kabanata ng Efeso, naisip niyang may kailangang baguhin. Ang pagbabago na ito ay magsisimula sa pag-iisip. Kahit na nagtiwala na tayo kay Jesus at binago na Niya tayo. Patuloy pa rin tayong binabago ng Banal na Espiritu upang maabot natin ang pagiging “matuwid at banal” (Efeso 4:24).
Ang Banal na Espiritu rin ang nagbabago sa ating isip upang makita si Jesus sa ating mga ikinikilos at pananalita. Tinutulungan din tayo ng Banal na Espiritu na magsabi ng “totoo” (Tal. 25). Inilalayo din Niya tayong gumawa ng kasalanan dahil sa galit (Tal. 26). Itinuturo rin sa atin ng Banal na Espiritu ang mga salitang “kapaki-pakinabang sa nakakarinig” (Tal. 29).
Ang ganitong gawain na puspos ng Espiritu ay parte ng pagbabago ng ating kalooban. Makikita ang mga ito sa ating kagandahang-loob, pagiging maawain at mapagpatawad (Tal. 32). Binabago tayo ng Espiritu upang tularan natin si Jesus at ipakita ang kabanalan ng ating Amang nasa langit (Tal. 24; 5:1).