Umorder si Colin ng mga stained glass, para sa kanyang proyekto. Ngunit mga buong bintana na binubuo ng mga stained glass ang dumating ng buksan niya ang kahon. Dahil dito, inalam ni Colin kung saan galing ang mga bintana. Nalaman niya na inalis ang mga bintana sa isang simbahan upang hindi ito mabasag noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Humanga si Colin sa kalidad ng pagkakagawa nito at sa kung paano ang mga stained glass ay bumuo ng magandang larawan.

Sa tuwing nagbubukas naman ako ng Biblia, lalo na kung saan binanggit ang mga talaan ng mga angkan. Gusto ko na lang itong lagpasan. Hindi ko kasi alam kung ano ang kahalagahan ng mga ito sa kuwento ng Biblia.

Tulad ng sa Genesis 11, ang paulit-ulit na pangalan at angkan, nina Shem, Shela, Eber, Nahor, at Tera (Tal. 10-32). Nais ko na lang basahin ang mga parteng sa tingin ko ay mahalaga at magbibigay sa akin ng buong pagkaunawa sa kuwento ng Biblia.

Sinabi rin sa Biblia na “ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang” (2 Timoteo 3:16). Kaya para maintindihan ang buong Biblia, tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu upang maunawaan ang mga bahagi nito. Katulad na lamang ng kaugnayan ni Shela kay Abram (Genesis 11:12-26), ang mga ninuno ni David na pinagmulang lahi naman ni Jesus (Mateo 1:2, 6, 16). Nagagalak ang Panginoon na ipahayag sa atin na ang bawat bahagi sa Biblia ay kuwento ng Kanyang pagliligtas.