Sinurpresa ko ang aking asawa. Bumili ako ng tiket ng mang-aawit na gustung-gusto niyang mapanood. Mayroong kasamang orkestra ang tanyag na mang-aawit. Ginanap ang konsiyerto sa Red Rocks Ampitheater. Nakinig kami sa mga awitin nila at bilang huling awit sa gabing iyon. Binigyan nila ng bagong tunog ang kantang, “Amazing Grace.” Napakaganda ng pagkakaayos ng kanta at talagang kamangha-mangha.
Lumilikha naman ng magandang tunog ang pagtugtog ng iba’t-ibang uri ng instrumento. Ganito marahil ang nais sabihin noon ni Apostol Pablo sa mga taga-Filipos. Sinabi ni Pablo, “Magkasundo kayo’t magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin” (Fil. 2:2). Nais niyang na magkaroon sila ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba nila katulad ng mga instrumentong lumilikha ng magandang tunog kahit na iba’t-iba ang uri nito at magkaisa sila sa pagyakap sa katangian ng Panginoong Jesus.
Nakakatuwa ring isiping maraming dalubhasa sa Biblia ang naniniwala na simula ng isang kanta ang sinabi ni Pablo sa (Tal. 6-11). Nais nitong ipabatid sa atin na kung hahayaan natin ang Banal na Espiritu na kumilos sa ating buhay, magkakaroon tayo ng mga magagandang katangian ng tulad ng kay Jesus.
At kung isasapamuhay natin ang mga katangiang ito, para tayong isang awit na may napakagandang himig na maririnig ng mga taong nasa paligid natin. Makikita rin nila na tayo ay mga nagtitiwala kay Jesus.