Kung gumagamit ka ng ‘toaster’ (gamit sa kusina pang-init at pangtusta ng tinapay), nakikinabang ka sa isang matinding tunggalian noong huling bahagi ng ikalabingsiyam na daantaon. Naglaban noon ang mga imbentor na sina Thomas Edison at Nikola Tesla kung anong uri ng kuryente ang pinakamainam paunlarin, ‘direct current’ (DC) tulad ng pagpapailaw ng baterya sa ‘flashlight’ o ‘alternating current’ (AC) tulad ng daloy mula sa saksakan ng kuryente.
Kinalaunan, ang lakas ng AC ni Tesla ang ginamit para sa bahay, negosyo, at pamayanan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Mas mainam kasi itong magdaloy ng kuryente sa malalayong lugar.
Kailangan rin natin ng karunungan para harapin ang mga alitang namamagitan sa mga sumasampalataya sa Dios (Roma14:1-12). Sabi ni Apostol Pablo na kailangan natin ang tulong ng Dios para maging malinaw sa atin ang mga ganitong bagay. “Kung hindi ganito ang inyong pag-iisip, ipapaunawa iyan sa inyo ng Dios” (Fil. 3:15). Ibinahagi rin niya ang kinahinatnan ng ’di pagkakaunawaan ng dalawang tao – isang hidwaan na labis niyang ikinalungkot: “ Nakikiusap ako kina Euodia at Sintique na sila’y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon” (Filipos 4:2).
Sa panahon ng alitan, sana hangarin natin ang karunungan at mabuting kalooban ng Dios na nasa Biblia, payo ng mas nakatatanda sa atin sa pananampalataya sa Dios, at kapangyarihan ng panalangin.