“Mabubuhay siya pero kailangang putulin ang kanyang paa.” Ito ang sabi ng doktor ng mga hayop. Nasagasaan kasi ng kotse ang asong kalye na dinala ng kaibigan ko sa doktor. Tanong ng doktor: “Ikaw ba’ng may-ari?” Malaki ang magiging bayarin pagkatapos ng operasyon at kailangang alagaan ang tuta habang nagpapagaling. Sagot ng kaibigan ko, “Ako na ngayon.” Dahil sa kabutihang loob niya, nagkaroon ng tahanang may pagmamahal ang aso.

Itinuring na ni Mefiboset ang sarili na parang asong walang silbi at hindi karapat-dapat sa anumang kabutihang loob (2 Sam. 9:8). Maaga siyang nalumpo dahil sa isang aksidente. Bata pa lang alagain na siya at kailangang umasa sa iba (Tingnan ang 4:4).

At dahil patay na ang lolo na si Haring Saul, marahil takot siya na baka ipapatay ng bagong hari na si Haring David ang lahat ng kalaban at katunggali sa trono. Iyon ang karaniwang nangyayari noon.

Ngunit dahil sa pagmamahal ni David sa kaibigang si Jonatan, siniguro niyang ligtas at maaalagaan ang anak nito - si Mefiboset (9:7). Tulad natin — noon, kalaban tayo ng Dios at nakatakda sa kamatayan, pero niligtas tayo ni Jesu-Cristo at binigyan ng lugar sa langit para makasama Siya magpakailanman. Ito ang ibig sabihin ng “makasalo sa hapag sa kaharian ng Dios” (Lucas 14:15). Heto tayo ngayon — mga anak ng Hari! Isang karangyaan at malaking kabutihang loob na hindi nararapat sa atin. Lumapit tayo sa Dios na may pasasalamat at kagalakan.