May isang organisasyon sa South Korea na nagbibigay ng libreng burol para sa mga buhay. Simula noong 2012, mahigit 25,000 katao, kabataan hanggang sa retirado na, ang lumahok na rito para mas mapabuti ang pamumuhay nila sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kamatayan.
Sabi ng pamunuan, “Para bigyan ang mga lumalahok ng makatotohanang pananaw sa kanilang buhay, tulungan maging mapagpasalamat, at makatulong sa pagpapatawad at pakikipagbati sa mga kapamilya at kaibigan.”
Tulad rin ng talinong binahagi ng gurong nagsulat ng Mangangaral. “Pagkat dapat alalahanin ng buháy na siya man ay nakatakda ring mamatay” (7:2 MBB). Pinapaalala sa atin ng kamatayan na lahat tayo limitado ang oras para mabuhay at magmahal nang maayos. Pinaluluwag nito ang kapit natin sa ilang mabubuting biyaya ng Dios – tulad ng pera, relasyon, at aliw – at binibigyan tayo ng laya na maging masaya sa kanila dito sa mundo habang nag-iimpok tayo “ng kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw” (Mateo 6:20 MBB).
Maaaring kumatok ang kamatayan sa pinto natin anumang oras. Nawa huwag na natin ipagpalibang bumisita sa mga magulang, magsilbi sa Dios, at huwag na ikumpromiso ang oras sa anak para sa trabaho. Sa tulong ng Dios, makakaya natin mabuhay nang tama.