Taus-pusong nagtrabaho ang isang babaeng Aprikano-Amerikano sa isang malaking pandaigdigang paglilingkod sa loob ng tatlong dekada. Ngunit nang sinubukan niyang kausapin ang mga katrabaho tungkol sa kawalang-katarungan ng lahi (racial injustice), tahimik lang ang mga ito. Sa wakas, noong tagsibol taong 2020, nang mas lumawak ang talakayan tungkol sa kapootang panlahi (racism) sa buong mundo, nagsimula ring magkaroon ng hayagang pag-uusap tungkol dito ang mga katrabaho niya.
Magkahalo ang damdamin niya: nagpapasalamat dahil nag-umpisa na ang ganitong pag-uusap ngunit nagtataka rin kung bakit natagalan bago magsalita tungkol dito ang mga katrabaho.
Minsan maituturing nga na kabutihan ang pananahimik. Sabi ni Haring Solomon, “Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang oras...panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita” (Mangangaral 3:1, 7). Subalit, sa harap ng pagkapanatiko at kawalang hustisya, nagbibigay daan sa pinsala at pasakit ang pananahimik. Sa tula ni Martin Niemoeller (isang pastor na Luterano na nakulong sa Alemanya noong panahon ng ‘Nazi Germany’ dahil sa pagsasalita laban sa mga ito) pagkatapos ng giyera: “Noong una, dumating sila dahil sa komunista pero ’di ako nagsalita dahil ’di naman ako komunista.”
Dagdag niya: “Sumunod, dumating sila para sa mga” Hudyo, Katoliko, at iba pa, “pero ’di pa rin ako nagsalita.” Sa wakas, “dumating sila para sa akin–sa oras na iyon wala nang ibang maaaring magsasalita.”