Noong kabataan ko, nagpinta si nanay sa pader ng sala namin ng isang eksena sa sinaunang Griyego. Larawan ito ng isang sirang templo na may mga natumbang puting haligi, sira-sirang fountain (isang istrukturang naglalabas ng tubig paitaas) at sirang rebulto.
Habang pinagmamasdan ko ang halimbawa ng arkitekturang Hellenismo na minsa’y naging napakaganda, napaisip ako kung ano kaya ang nakasira dito. Lalo akong naging interesado nang inaral ko ang nakalulunos na sinapit ng mga mauunlad na sibilisasyon noon na nabulok at gumuho mula sa loob.
Nakakabahala ang kasamaan at pagwawalang bahala na nakikita natin sa paligid natin ngayon. Madaling ituon ang sisi sa mga tao at bansang tumanggi o tinalikuran ang Dios. Ngunit hindi ba nararapat na ituon din natin ang paningin natin sa paloob? Binabalaan tayo ng Biblia na huwag maging mapagkunwari – na ang puna lagi sa pagkakamali ng iba pero hindi man lang sinisilip ang kaganapan sa sariling kalooban (Mateo 7:1-5).
Hamon sa atin ng Mga Awit 32 na aminin natin ang mga pagkakasala natin para maramdaman natin ang kalayaan at galak ng tunay na kapatawaran. At habang nagagalak tayo sa kaalaman ito – na handog sa atin ng Dios ang kapatawaran - maaari rin natin ibahagi ang pag-asang ito sa ibang tao na nahihirapan ding pagtagumpayan ang kasalanan.