Sa Knowing God na isang mahalagang akda ni J.I. Packer (1926-2020), binanggit niya ang apat na kilalang taga-sunod ni Cristo na tinagurian niyang “beavers for the Bible.” Hindi pormal na nag-aral para maging dalubhang sa Biblia ang ilan sa kanila, pero masinsin nilang kinikilala ang Dios sa maingat na pagnguya ng Kanyang salita: tulad ng hayop na beaver, masipag sa paghukay sa puno at pagnguya nito.
Para kay Packer, hindi lamang para sa dalubhasa ang pag-aaral ng Biblia. “Mas makakakilala nang lubos ang isang simpleng mambabasa ng Biblia at tagapakinig ng pangangaral na pinuspos ng Banal na Espiritu kaysa sa dalubhasa na ang maging tama lang sa teolohiya ang habol.” Nakakalungkot na marami sa mga nagaaral ng Salita ng Dios ang hindi mapagpakumbaba ang puso – hindi nila layon na mas makilala ang Tagapagligtas at maging katulad Niya.
Noong kapanahunan ni Jesus, may mga maalam sa Lumang Tipan ngunit hindi nila nakilala ang tinutumbok ng Kasulatan – na nakatayo na pala sa kanilang harapan. “Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa pag-aakalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang Iyan ang nagpapatotoo tungkol sa Akin! Ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa Akin upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40 MBB).
Naguguluhan ka ba ’pag binabasa mo ang Biblia? O tuluyan mo na bang sinukuan ang pag-aaral nito? Ang mga — maingat at mapanalangin nilang nginunguya ang Salita ng Dios. Nais nilang mabuksan ang mga mata at puso nila para makita at mahalin si Jesus – na Siyang ipinapahayag ng Biblia.