Nakatanggap ang sampung taong gulang na si Chelsea ng magarang ‘art set’ (mga gamit pang ‘art’ tulad ng pangdrawing, pangkulay). Dito niya nabatid na ginagamit ng Dios ang sining para pagaanin ang kalungkutan niya. Naisip niyang bigyan din ang mga batang walang gamit pang-‘art’. Para sa kanyang kaarawan, sinabi niya sa mga kaibigan na ‘wag siyang bigyan ng regalo. Sa halip, inanyayahan niya silang magbigay ng gamit pang-‘art’ para tumulong punuin ang mga kahon para sa mga batang nangangailangan.
Kinalaunan, sa tulong ng kanyang pamilya, nagsimula ang “Chelsea’s Charity” at naging mas malawakan ang pagdaloy ng mga gamit na para sa nangangailangan. Nagbigay din siya ng mga payo sa mga grupong nakatanggap ng mga kahon. Habang patuloy ang pagkakawanggawa ni Chelsea, nakikita natin na puwede tayong gamitin ng Dios kapag handa tayong mamuhay nang naglilingkod sa iba.
Sumasalamin sa puso ng tapat na katiwala ang malasakit at pagpayag na magbahagi sa iba. Hinikayat ni apostol Pedro ang mga sumasampalataya kay Jesus na maging tapat na katiwala at “magmahalan ng taos puso” sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman at kakayahang ibinigay ng Dios sa kanila (1 Pedro 4:8-11).
Maaring maging inspirasyon sa iba kahit na ang maliliit nating handog. Kaya ng Dios na maghagilap ng mga tagasuporta upang maglingkod kasama natin. Habang umaasa tayo sa Kanya, puwede tayong mabuhay na nagsisilbi at bigyan ang Dios ng papuring nararapat sa Kanya.