DingTalk app ang tugon ng mga guro sa Tsina nang makansela ang klase sa mga paaralan dahil sa pandemya ng COVID-19. Sa pamamagitan ng app na ito, puwedeng makapagklase gamit ang internet. Nalaman ng mga mag-aaral na kapag sobrang mababa ang marka sa app, maaari itong matanggal sa app store kung saan puwedeng makuha ang DingTalk. Sa isang magdamag, nagkaroon ng libu-libong one star (mababang marka) at bumaba nga ang marka ng DingTalk.
’Di hahanga si Jesus sa mga mag-aaral na pinaliit ang kanilang responsibilidad, pero baka mapahanga Siya sa talino at pagiging maparaan nila. May ikinuwento si Jesus tungkol sa isang tagapamahalang natanggal sa trabaho: sa huling araw sa trabaho, binawasan niya ang kabuuang halaga ng utang ng mga may utang sa amo niya.
Hindi pinuri ang kasinungalingan, pero pinuri ni Jesus ang talino nito at ninais na sana matalas din ang isip ng mga tagasunod Niya. “Kaya’t sinasabi Ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan” (Lucas 16:9).
Hindi ang halaga ng perang mawawala kundi ang perang magagamit ang iniisip ng mga matatalinong tao. Sabi ni Jesus na sa pagiging mapagbigay, makakakuha ka ng kaibigan, at puwedeng magdudulot ito ng kaligtasan at impluwensya. Ipinapakita rin ng pagbitaw natin sa pera na nagtitiwala tayo kay Jesus. Hilingin natin sa Dios na turuan tayong maging malikhain at maparaan sa pagsisilbi sa kapwa para kay Jesus.