Nais ni Leisa na samantalahin ang panahon at labanan ang kadiliman kahit sa maliit na paraan. Kasi para bang kamatayan ang ipinagdiriwang ng marami sa palamuti ngayong taglagas. Minsan pa nga, nakakakilabot ang mga palamuting gamit ng iba. Kumuha siya ng malaking kalabasa at nilista rito ang mga bagay na pinagpapasalamat niya (Uso kasi ang dekorasyong kalabasa tuwing ‘Halloween’).
“Sikat ng araw” ang una sa listahan niya. Nakilista rin ang mga bumibisita sa kanya: may parang biro (‘doodling’ o mga guhit na parang ‘di seryoso), may praktikal (“bahay na may sapat na init,” “kotseng maayos ang takbo”), may malalim na lungkot (pangalan ng yumaong mahal sa buhay). Kinalaunan, may isang mahabang listahan ng pasasalamat na ang pumapaikot sa kalabasa.
Sa Mga Awit 104 may isang linya ng papuri sa Dios: ilog na nagdidilig sa kapatagan” (Tal. 10), mga damong pagkain ng mga baka at halaman na pagkain ng tao (Tal. 14). Kinakitaan rin ng ganda maging ang gabi: “gumigising ang hayop na maiilap” (20) at “kung sumapit ang umaga...tao humahayo sa gawain” (Tal. 22-23). Kaya ang sabi ng salmista, “Aawitan ko si Yahweh, siya’y aking pupurihin habang ako’y nabubuhay” (Tal. 33).
Sa mundong ’di alam paano harapin ang kamatayan, kahit ang pinakamaliit na alay ng papuri sa Dakilang Manlilikha ay nagiging maningning na pag-asa.