Lumaki ako bilang panganay ng isang pastor. Kada Linggo, malinaw ang inaasahan sa akin: Dapat nasa simbahan ako. Maliban na lang siguro kung may lagnat ako. Pero ang totoo, gustung-gusto kong magsimba, at nagpupunta ako doon kahit pa may lagnat talaga ako.
Pero nagbago ang mundo, at hindi na gaya ng dati ang regular na bilang ng mga nagpupunta sa simbahan. Ang tanong ay ‘bakit?’ Marami at iba-iba ang mga sagot. Binigay ng manunulat na si Kathleen Norris ang sagot na natanggap niya mula sa isang pastor, “Bakit tayo nagsisimba?” Ang sabi niya, “Nagsisimba tayo para sa ibang tao. Kasi baka may nangangailangan sa atin sa lugar na iyon.”
Hindi lang iyon ang rason para magsimba, pero inilalarawan ng sagot na iyon ang tibok ng puso ng nagsulat ng Hebreo. Inudyukan niya ang mga mananampalataya na magtiyaga sa pananampalataya, at abutin ang layunin na “huwag nating pabayaan ang mga pagtitipon” (Hebreo 10:25). Bakit? Kasi may importanteng bagay na hindi mo mararanasan kung wala ka: “palakasin ang loob ng bawat isa” (Tal. 25). Kailangan nating magpalakasan para ating “mahiyakat ang isa’t isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan” (Tal. 24).
Mga kapatid, patuloy tayong magkita-kita kasi baka may nangangailangan sa inyo sa lugar na iyon. At ang katumbas niyong katotohanan ay baka kailangan mo rin sila.