Makikita ang mga asul at puting tiles sa mga bahay sa Netherlands. Karaniwang pinakikita rito ang mga pamilyar na tanawin sa bansang iyon: magagandang lugar, windmills, at mga taong nagtatrabaho at naglalaro .
Noong ika-19 na siglo, binanggit ni Charles Dickens sa librong ‘A Christmas Carol’ na ginamit din ang mga tiles na ito sa pagsasalarawan ng Biblia. Kinuwento niya doon ang isang lumang tsiminea na tinayo ng isang Dutch at may ganitong tiles na nagpakita ng ilang tauhan sa Biblia. Maraming bahay ang gumagamit ng ganitong tiles sa pagtuturo ng mga istorya sa Biblia habang magkakasama ang pamilya sa harap ng tsiminea. Natutunan nila ang tungkol sa karakter ng Dios—ang hustisya Niya, kahabagan, at awa.
Napapanahon pa rin ngayon ang mga katotohanan sa Biblia. Hinihimok tayo ng Salmo 78 na sabihin ang mga narinig natin at nalaman, pati iyong mga ipinasa sa atin ng ating mga ninuno (Tal. 2-3). Tinuruan din tayo nito na “sabihin sa mga susunod na salinlahi...ang kapangyarihan ng Panginoon at ang Kahanga-hanga niyang gawa” para “ituro rin nila ito sa kanilang mga anak” (Tal. 4,6).
Sa tulong ng Dios, makakahanap tayo ng mga malikhain at epektibong paraan para ilarawan sa bawat henerasyon ang mga katotohanan sa Kasulatan, habang binibigay natin sa Dios ang buong karangalan at papuri na karapat-dapat sa Kanya.