Masaya at excited kaming nagkita-kita para sumamba nang araw na iyon ng Linggo. Kahit hiwa-hiwalay kami dahil sa coronavirus, kinuha namin ang pagkakataon para ipagdiwang ang kasal nina Gavin at Tijana. Naka-broadcast iyon sa mga kaibigan namin at kapamilya na nakakalat sa iba’t ibang bansa—sa Spain, Poland, at Serbia. Tinulungan kami ng ganitong teknolohiya para malampasan ang mga hadlang habang pinagdiriwang namin ang kasal. Pinag-isa kami ng Espiritu ng Dios at binigyan kami ng tuwa.
Ang pagsasama-samang iyon ng mga tao na galing sa iba’t iba ang pinanggalingang bansa, ay patikim pa lang ng kaluwalhatian na darating kapag humarap sa Dios ang “lahat ng bansa, angkan, lahi at wika” (Pahayag 7:9). Nakita ni Juan ang napakaraming tao sa isang pangitain na sinasabi niya sa aklat ng Pahayag. Silang mga nagsasama-sama para magpuri sa Dios, kasama ng mga anghel at mga matatatanda: “Ang Dios natin ay dapat purihin, sambahin, pasalamatan at parangalan...purihin Siya magpa- kailanman” (Tal. 12).
Ang “handaan sa kasal ng Tupa” ay magiging isang nakamamanghang panahon ng pagpupuri at pagdiriwang (Pahayag 19:9). Kahawig ito ng nararanasan natin sa simbahan tuwing Linggo habang kasama natin ang maraming bansa.
Habang hinihintay ang masayang pangyayaring iyon, puwede nating yakapin ang pagsasanay sa pagpipista at pagsasaya kasama ng mga anak ng Dios.