Noong 2010, sa edad na 94, binigyan ng bronze star award si George Vujnovich para sa ginawa niya na tinawag ng New York Times bilang “isa sa pinakadakilang pagliligtas noong World War II.” Si Vujnovich ay anak ng isang Serbian na nag-migrate sa US, at sumali siya sa US Army.
Sa isang mahusay at matrabahong operasyon na tumagal nang ilang buwan, nailigtas niya ang 512 na tao. Sobrang tuwang-tuwa sila.
Inilarawan ni David ang saya niya noong niligtas siya ng Dios sa mga kaaway na inakala niyang di na niya matatakasan. “At mula sa langit ako’y inabot N’yo,” sabi ni David, “at iniahon ako mula sa malalim na tubig” (2 Samuel 22:17). Galit at puno ng inggit na hinabol ni Haring Saul si David, gusto niya itong patayin. Pero may ibang plano ang Dios. “Iniligtas N’yo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan” (Tal. 18).
Niligtas ng Dios si David mula kay Saul. Niligtas Niya ang Israel mula sa Ehipto. At kay Jesus, dumating ang Dios para iligtas tayong lahat. Iniligtas tayo ni Jesus mula sa kasalanan, kasamaan, at kamatayan. Higit Siya kaysa sa kahit sinong makapangyarihang kalaban.