Minsang pumunta ako sa tindahan ng ice cream kasama ang anak kong galing sa dalawang lahi, tinanong ng lalaki sa kahera sa anak ko, “Ano ka ba?” Nainis ako sa tanong at tono niya, kilala ko iyon dahil sa mga naranasan ko habang lumalaki ako bilang isang Mexican-American. Hinila ko si Xavier, at bumaling sa asawa kong African-American na papasok sa tindahan. Tahimik na binigay na lang ng kahera ang order namin.
Tahimik akong nagdasal habang sinasabi ng anak ko ang mga flavor ng ice cream na gusto niyang subukan. Humingi ako sa Dios ng espiritu ng pagpapatawad. Dahil sa kulay ng balat ko, target ako ng mga ganoong tingin at tanong sa loob ng maraming taon. Nagkaroon ako ng insecurity, inisip ko na wala akong halaga, bago ko natutunang yakapin ang identity ko bilang minamahal na anak ng Dios.
Dineklara ni apostol Pablo na ang mga mananampalataya ni Jesus ay “mga anak ng Dios dahil sa pananampalataya.” Pantay- pantay kahit magkakaiba. Magkakaugnay at sadyang idinesenyo para magtulungan (Galacia 3:26-29). Noong ipadala ng Dios ang Anak Niya para tubusin tayo, naging pamilya tayo sa pamamagitan ng Kanyang dugo na tumigis sa krus para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan (4:4-7). Bilang mga tagadala ng imahe ng Dios, ang halaga natin ay hindi binabase sa opinyon, inaasahan, o pagkiling ng iba.
Ano tayo? Mga anak tayo ng Dios.