Noong maging pneumonia ang sipon ni John, naospital siya. Sa parehong oras, ginagamot ang nanay niyang may kanser ilang palapag mula sa kinaroroonan niya, at nilamon na siya alalahanin tungkol sa kanilang dalawa.
Tapos noong bisperas ng Pasko, nang ipatugtog sa radyo ang “O Holy Night,” napuno si John ng kapayapaan ng Dios. Pinakinggan niya ang mga sinabi tungkol sa gabi ng kapanganakan ng Tagapagligtas: “A thrill of hope the weary soul rejoices, for yonder breaks a new and glorious morn!” Sa sandaling iyon, nawala ang pag-aalala niya.
Itong “dear Savior” na ito ay pinanganak sa atin, si Jesus, ang “Prinsipe ng Kapayapaan,” gaya ng pinahayag ni Isaias. (Isaias 9:6) Tinupad ni Jesus ang propesiyang ito noong dumating Siya sa mundo bilang isang sanggol, nagdadala ng liwanag at kaligtasan sa mga “nabubuhay sa kadiliman” (Mateo4:16, Tingnan Isaias 9:2). Kinakatawan Niya, at nagbibigay Siya ng kapayapaan sa mga minamahal Niya, kahit pa sa gitna ng dinaranas nilang hirap at kamatayan.
Doon sa ospital, naranasan ni John ang kapayapaan na hindi kayang unawain ng tao (Filipos 4:7) habang iniisip niya ang kapanganakan ni Jesus. Dahil sa engkuwentro niyang ito sa Dios, lumakas ang kanyang pananampalataya at umapaw ang pasasalamat niya, kahit pa Pasko at nakahiga siya sa kama sa ospital, malayo sa pamilya niya. Sana tayo din ay makatanggap sa Dios ng regalo ng kapayapaan at pag-asa.