Dinala ko ang aso ko sa damuhan. Pero sa isang aksidente, nahila niya ang taling nasa kanang kamay ko at napilipit ang daliri ko. Bumagsak ako sa damuhan at napahiyaw sa sakit. Nalaman ko na kailangang operahin ang daliri ko kaya nanikluhod ako sa Dios.
“Writer ako! Paano na ako makakapag-type nito? Paano na iyong mga araw-araw kong trabaho?” Kinausap ako ng Dios gamit ang Biblia. “Sapagkat ako, ang Panginoon mong Dios, ang humahawak ng iyong kanang kamay; ako na nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot, ikaw ay Aking tutulungan.’” (Isaias 41:13, ABAB)
Binasa ko ang konteksto, may espesyal na relasyon sa Kanya ang bayan ng Juda, na siyang sinabihan ni Isaias ng mensaheng ito. Nangako Siya ng presensiya, lakas, at tulong sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na paninindigan, na sinisimbolo ng Kanyang kanang kamay (Tal. 10). Sa ibang bahagi naman ng Kasulatan, ang kanang kamay ng Dios ay ginagamit para sigura- duhin ang tagumpay ng Kanyang bayan (Salmo 17:7; 98:1).
Sa loob ng mga linggong nagpapagaling ako, naranasan ko ang pagpapalakas ng loob ng Dios, habang natututunan kong magdikta sa computer at gamitin ang kaliwang kamay ko sa mga gawaing bahay at sa pag-aayos ng sarili. Mula sa kanang kamay ng Dios hanggang sa ating sira at mahinang kanang kamay, nangangako ang Dios na sasamahan at tutulungan tayo.