“Kailangan ng isang pastol ng dakilang karunungan at sanlibong mata para masuri niya ang kondisyon ng kaluluwa mula sa lahat ng anggulo.” Isinulat ni John Chrysostom ang mga ito bilang bahagi ng diskusyon sa pagiging kumplikado ng espirituwal na pag-aaruga sa iba. Dahil imposibleng pilitin ang sinuman na gumaling, binigyang-diin niya na para maabot ang puso ng iba, kailangan ng matinding pakikiramay at malasakit.
Pero magiging masakit ito, kasi sabi ni Chrysostom, “Kung malumanay ka sa isang taong nangangailangan ng malalim na pag-oopera at hindi malalim ang paghiwa mo, mangpuputol ka lang ng bahagi ng katawan, pero hindi maaalis ang kanser.”
Kumplikado rin ang paliwanag ni Judas tungkol sa pagtugon sa mga taong naligaw ng mga pekeng guro, na nailarawan niya na nang malinaw (1:12-13, 18-19). Sinabi ni Judas na sa mga pagbabanta, hindi niya nirerekomenda na galit ang maging tugon natin. Sa halip, tinuruan niya ang mga mananampalataya na mag-ugat pa nang mas malalim sa pag-ibig ng Dios (Tal. 20-21).
Dahil kapag naka-angkla tayo sa di-nagbabagong pag-ibig ng Dios, mahahanap natin ang karunungan para makatulong tayo sa iba nang may tamang pagmamadali, kababaang-loob, at malasakit (Tal. 22-23)—na siyang pinakamakakatulong para mahanap nila ang kagalingan at kapahingahan sa walang hanggang pag-ibig ng Dios.