Nang magpunta si Edward Jackson sa California noong Great Gold Rush sa Amerika, isinulat niya sa diary niya noong Mayo 20, 1849 na umiyak siya dahil sa nakakapagod na biyahe niya sakay ng bagon, na minarkahan ng sakit at kamatayan. Isa pang naghahanap ng ginto, si John Walker, ang sumulat ng, “Ito ang isa sa pinakamahirap na sapalaran . . . .hindi ko papayuhan ang kahit sino na pumunta dito.”
Umuwi si Walker, at nagtagumpay siya sa pagsasaka, pagra-rancho, at politika. Nang kuhanin ng isang kapamilya ang naninilaw nang mga sulat niya sa programa sa TV na Antiques Roadshow, pinresyuhan iyon nang ilang libong dolyar. Sabi ng host, “May nakuha tayong bagay na may halaga mula sa Gold Rush, iyon ay ang mga sulat na ito.”
Bukod pa roon, umuwi sina Walker at Jackson nang may natutunang karunungan na nagtulak sa kanila para panghawakan ang mas praktikal na buhay. Sinabi nga ni Haring Solomon, “Mapalad ang taong may karunungan, dahil magbibigay ito ng mabuti at mahabang buhay.” (Kawikaan 3:13, 18). Ang mabuting pagpili ay “Higit pa sa pilak at ginto” (Tal. 14)—at walang bagay sa mundo na puwedeng ipantay dito (Tal. 15).
“Magpapahaba ito ng iyong buhay... at magbibigay sa iyo ng karangalan” (Tal. 16-17). Kung gayon, ang hamon sa atin ay ang panghawakan ang karunungan, hindi iyong mga kumikinang na bagay. Ito ang daan na pagpapalain ng Dios.