Naging mahirap para sa Amerikanang si Michellan ang mamuhay sa bansang Pilipinas. Pero sa kanyang pagmamahal sa pag-aaral ng mga wika at salita, naging magaan ang pagsubok na iyon. Kaya naman, nang nasa kolehiyo na siya, nabasa niya ang unang kabanata ng Aklat ni Juan sa Biblia. Naantig ang puso niya sa simula ng kabanata tungkol sa Salita. At para bang sinasabi sa kanya nito, “’Di ba mahilig ka sa salita, basahin mo ito kasi ang walang hanggang Salita ay kayang bigyang liwanag ang madilim na mundo. Ang Salita na nagkatawang-tao. Ang Salita na minahal kang lubos.”
Maaalala naman ng mga bumasa ng Aklat ni Juan ang unang mga salita na sinabi sa Aklat ng Genesis sa Biblia dahil may pagkakapareho ito. Sinabi roon, “Nang pasimula . . .” (Genesis 1:1). Nais naman ipalaam ni Apostol Juan na hindi lang Siya kasama ng Dios sa simula kundi si Jesus ay Dios (Juan 1:1). At ang Salita ay nagkatawang-tao “at namuhay na kasama natin” (Tal. 14). Sinabi pa ni Juan, “Ang lahat ng tumanggap at sumampalataya [kay Jesus] ay binigyan Niya ng karapatang maging Anak ng Dios” (Tal. 12).
Nang araw na iyon, nagtiwala si Michellan sa Panginoong Jesus at pinagkalooban na maging anak ng Dios (Tal. 13). Lubos ding nagpasalamat si Michellan sa Dios dahil nakalaya siya sa ginagawa ng kanyang pamilya sa pagiging adik sa bawal na gamot. Naging masigasig din siya sa pagpapahayag ng Salita ng Dios upang marami pa ang magtitiwala kay Jesus.
Kaya naman, tayong mga nagtitiwala kay Jesus, ipahayag natin sa iba ang Magandang Balita. Sa pagsisimula ng 2024, anong mga salita ang iyong sasabihin sa iba upang maranasan nila ang kagandahang-loob ng Dios?