May mga taong mahilig magsabi na babaguhin nila ang mga gusto nilang gawin bago magsimula ang bagong buwan o bagong taon. Isa na dito si Bryony na gustong lumipat ng ibang trabaho dahil hindi na siya masaya sa kanyang ginagawa. Gusto na niyang magsimula ulit ng bagong trabaho na gusto niya talagang gawin. Para naman kay David, na bago magbagong taon ay nangangako na magpapapayat na siya. At si James naman, nangako na babawasan na ang pagiging magagalitin.

Kaya naman, sa mga laging nangangako tuwing bagong taon, hindi ka nag-iisa sa gumagawa nito. Ang tawag ng mga mananaliksik sa mga gumawagawa nito ay epekto ng pagsisimula. Nais kasi ng mga tao na iwan ang mga pangit nilang ginagawa at mabago ito. Ang makapagsimula muli ang nag-uudyok sa atin na naising mas maging maayos ang buhay.

Ang pagtitiwala naman kay Jesus ang nagbibigay sa atin ng kakayahan upang makapamuhay nang ayon sa katangian ng Dios (Colosas 3:12-14). Hinihikayat din tayong iwanan na ang dati nating pamumuhay at mamuhay nang ayon sa nais ng Dios (Tal. 5-9). Ang pagbabagong ito ay hindi lamang bunga ng ating sariling desisyon at ipinangakong gagawin, kundi sa paggabay ng Dios. Sa ating pagtitiwala kay Jesus, magkakaroon tayo ng bagong pagkatao. At sa tulong ng Banal na Espiritu, patuloy tayong mababago hanggang magkaroon tayo ng magagandang katangian ng tulad ng kay Cristo (Tal. 10; Tito 3:5).

Ang ating pagtitiwala kay Jesus ang pinakamagandang simula na iyong gagawin. At hindi na kailangan pang maghintay ng bagong taon. Magtiwala ka sa Panginoong Jesus ngayon at ngayon din mismo iyong mararanasan ang epekto ng pagbabago.