Nakagawian na ni Jan na ilagay sa likod niya ang kanyang mga kamay sa tuwing nais niyang pakinggan o tawagin ang pansin ng kanyang mga kausap. Sa tuwing ginagawa niya kasi ito nagiging madali para sa kanya ang pagtuturo o pakikinig sa kanyang kausap. Ipinapaalala ng ginagawa ni Jan na mahalin ang taong kanyang kausap at maging mapagpakumbaba.
Naunawaan naman ni Jan ang pagpakumbaba at ang lahat ay nagmula sa Dios dahil sa ipinahayag ni Haring David sa Dios. Sinabi ni David, “Kayo ang aking Panginoon. Lahat ng kabutihang nakamtan ko ay mula sa Inyo” (Salmo 16:2). Nagtiwala siya at sumunod sa payo ng Dios (TAL. 7). Alam din ni Haring David na lagi niyang kasama ang Dios (Tal. 8). Hindi rin kailangan ni David na itaas ang kanyang sarili, dahil nagtitiwala siya sa makapangyarihang Dios na nagmamahal sa kanya.
Humingi tayo ng tulong sa Dios, sa tuwing hindi natin alam ang dapat nating sabihin. Malalaman nating tinutulungan tayo ng Dios kapag nagtatagumpay tayo.
Katulad ni Jan, ilagay rin natin ang ating mga kamay sa ating likuran. Upang maipakita sa ating kapwa ang ating pagmamahal at pagpapakumbaba. Magsilbing paalala sa atin ito na ang lahat ng mayroon tayo ay nagmula sa Dios.