Nasa bakasyon kami ng aking asawa. Nangingisda siya, habang nagbabasa naman ako ng Biblia. Nilapitan kami ng isang binata, sinulyapan niya at itinuro ang aking Biblia. Bumuntong-hininga siya bago nagsalita “Nakulong po ako. Sa tingin po ninyo mahal talaga ng Dios ang mga taong katulad ko?” Bilang sagot, binasa ko ang Mateo 25, dito binanggit ni Jesus ang tungkol sa pagbisita ng Kanyang mga tagasunod sa mga taong nasa bilangguan.

Nangilid ang kanyang mga luha ng ibahagi ko kung paano itinuturing ng Dios ang kabutihan na ginawa sa Kanyang mga anak ay pagpapakita ng pagmamahal para sa Kanya (Tal. 31-40).

“Sana mapatawad din po ako ng mga magulang ko.” Pagkatapos, bigla siyang umalis. Bumalik siya at iniabot sa akin ang kanyang punit-punit na Biblia. “Ipakita po ninyo sa akin kung saan ko po mahahanap ang mga salitang iyon.” Ipinakita ko ito sa kanya at niyakap namin siya ng asawa ko. Ipinagdasal namin siya at ang kanyang mga magulang. Nagpalitan din kami ng impormasyon, upang patuloy na maipagdasal siya.

Minsan naman sa ating buhay, naramdaman natin na hindi tayo minahal, tinanggap, kinailangan, o kaya pisikal o emosyonal na nakakulong (Tal. 35-36). Kaya, kailangan natin laging alalahanin na mapagmahal, mahabagin, at mapagpatawad ang Dios. Gawin natin itong pagkakataon upang ang mga taong nakakaramdam nito. Maging bahagi tayo sa plano ng Dios na maibahagi ang Kanyang katotohanan at pagmamahal saan man tayo magpunta.