Pinaplano ng pamilya namin na kumuha ng isang tuta, kaya ilang buwang nag-research ang anak kong 11 anyos. Alam niya kung ano ang dapat kainin ng aso at kung paano ito ipapakilala sa bagong bahay—kasama ng iba pang napakaraming detalye. Kaya maingat naming inihahanda ang isang kuwarto. Sigurado akong marami pang magiging sorpresa habang inaalagaan namin ang aming bagong tuta, pero puspusan talaga ang naging paghahanda ng anak namin dahil masaya siya.
Pinaalala sa akin ng anak kong mapagmahal na naghahanda para sa tuta, ang pananabik ni Jesus na makasama ang Kanyang bayan, at ang pangako Niya na maghahanda Siya ng tahanan para kanila. Sa bandang dulo ng Kanyang ministeryo sa lupa, inudyukan ni Jesus ang mga tagasunod Niya na magtiwala sa Kanya, “Magtiwala kayo sa Dios at magtiwala rin kayo sa akin” (Juan 14:1). Tapos, nangako Siya na “ipaghahanda [sila] ng lugar upang kung nasaan [Siya] ay naroon din [sila]” (Tal. 3).
Hindi magtatagal, haharap sa problema ang mga tagasunod. Pero gusto ni Jesus na malaman nilang kumikilos Siya para maisama sila sa tahanan Niya.
Natutuwa ako sa maingat na paghahanda ng anak ko para sa bagong tuta. Pero kaya ko lang hulaan kung gaano kasaya ang ating Tagapagligtas sa sarili Niyang detalyadong preparasyon para sa bawat anak Niya upang makasama Niya sila sa buhay na walang hanggan (Tal. 2).