Sa kultura ng Amish na mga mamamayan sa isang lugar sa Amerika, isang sama-samang gawain ang pagtatayo ng kamalig. Kung mag-isa lang ang magsasaka at ang kanyang pamilya na magtatayo ng kamalig, aabutin sila nang halos isang buwan. Pero sa mga Amish, ang buong kumunidad ang magkakatulong para gumawa ng kamalig. Maaga nilang inihahanda ang mga troso at ang mga gagamitin. Hinahati-hati rin nila ang mga gawain at magkakatulong na itinatayo ang kamalig na minsan ay inaabot lamang ng isang araw.
Ang pagtutulong-tulong na ito ay isang magandang larawan kung ano ang nais ng Dios para sa mga nagtitiwala kay Jesus. Sinabi ng Biblia, “Kayong lahat ang bumubuo ng katawan ni Cristo, at ang bawat isaʼy parte ng Kanyang katawan” (1 Corinto 12:27). Binigyan ng Dios ang bawat isa sa atin ng natatanging kakayahan. Sa pagganap natin ng kanya-kanya nating tungkulin, tayo’y pinag-uugnay at ang bawat isa ay nagtutulungan (Efeso 4:16). Sa pagsasama-sama natin, hinihikayat tayo na, “tulungan [natin] ang isa’t isa sa mga problema” (Galacia 6:2).
Pero minsan, nais nating mag-isa lang hinaharap ang mga problema o hindi tayo tumutulong sa ibang nahihirapan sa mga pagsubok. Pero nais ng Dios na abutin natin ang iba dahil maraming magagandang mangyayari kung tutulungan tayo ng iba at maipapanalangin din natin sila.
Mararanasan natin ang napakagandang plano ng Dios sa ating buhay kung magtutulungan para tugunan ang panga-ngailangan ng bawat isa.