Noong Enero 2020, napabalita ang pagkamatay ng sikat na basketball player na si Kobe Bryant dahil sa pagbagsak ng helicopter. Karamihan sa mga balita ay ganito ang sinasabi, “Namatay sa isang aksidente ang sikat na manlalaro na si Kobe Bryant, ang kanyang anak na si Gianna, at pitong iba pa.”
Kalimitan sa mga ganitong balita ay mas binibigyang pansin natin ang mga sikat na tao. Pero dapat din nating isipin na sa tunay na buhay ay mahahalaga rin ang mga buhay ng pitong iba pang pumanaw sa aksidenteng iyon (sina Payton, Sarah, Christina, Alyssa, John, Keri, and Ara).
Minsan, kailangan tayong mapaalalahanan na ang bawat tao ay mahalaga sa paningin ng Dios. Sa lipunan natin, mas binibigyang-halaga ang mga sikat at mayayaman. Gayon pa man, ang bawat isa sa atin, ay mahalaga.
Nilikha ng Dios ang bawat tao dito sa mundo na ayon sa wangis Niya (Genesis 1:27), mahirap man o mayaman (Kawikaan 22:2). Pantay-pantay ang pagtingin ng Dios sa lahat ng tao (Roma 2:11) at ang bawat isa sa atin ay nangangailangan ng Tagapagligtas (3:23). Nabibigyang luwalhati natin ang Dios sa tuwing hindi tayo nagtatangi ng mga tao – ito man ay sa ating simbahan (Santiago 2:1-4) o sa ating lipunan.